BAGAMAT 26-anyos pa lamang si Taylor Swift, sa kanyang 10 taong career ay may multiple Grammy Awards na siya, mas malaki ang kinikita sa lahat ng iba pang celebrity, at mayroon nang sariling exhibition.
Dumating ngayong linggo sa New York ang Taylor Swift Experience na tatakbo ng tatlong buwan makaraang magbukas sa Grammy Museum sa Los Angeles noong 2014.
Kabilang sa mga naka-display ang handwritten lyrics ng country-turned-pop singer, ang kanyang piano, at ilan sa 10 Grammy statuettes na ipinagkaloob sa kanya, mga baby clothe at pati na rin ang mga costume sa kanyang mga show.
“It’s basically the story of Taylor Swift and the making of a modern superstar. It’s funny, she’s 26 years old and she’s already a legend, but it’s actually the truth,” saad ng Grammy Museum curator na si Nwaka Onwusa.
Nagsimula ang career ni Taylor Swift gamit ang gitara sa Nashville noong 16-anyos siya at hinirang ng Forbes bilang world’s top earning celebrity ngayong 2016 sa kinitang $170 million. (Reuters)