Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) na nagsasagawa ngayon ang militar ng intelligence monitoring upang matunton ang pinagdalhan sa 70-anyos na lalaking German na napaulat na dinukot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tanjong Luuk Pisuk, Sabah, Malaysia, nitong Linggo.

Ayon kay Army Major Filemon Tan, Jr., sa oras na matunton nila ang kinaroroonan ng German at ng mga bandidong may hawak dito ay agad na kikilos ang militar upang mailigtas ang dayuhan.

Una nang ipinarating ni Tan ang pahayag ni Muamar Askali, alyas “Abu Rami”, sub-leader ng ASG, na dinukot ng mga bandido ang German na si Juegen Kantner mula sa isang pribadong yate sa Tanjong Luuk Pisuk, Sabah, Malaysia.

Sinabi rin ng ASG na pinatay nila ang babaeng kasama ni Kantner na si Sabrina Wetch, hanggang sa madiskubre ng mga residente sa Pangutaran, Sulu ang yate at natagpuan sa loob ang hubo’t hubad na bangkay ng isang babaeng dayuhan, nasa edad 50s, at pinaniniwalaang si Wetch.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

May hinala rin ang militar na ginahasa ang babaeng dayuhan bago pinatay. (Francis T. Wakefield)