Tampok ang mga mahuhusay na player sa labas ng mga collegiate league sa bansa sa pagsambulat nang pinakabagong liga ng basketball sa bansa -- ang ACE-BL 2016 AIC-Sam Cup basketball championship – sa Nobyembre.

Ang ACE[Anthony Cuevas Excellence]Basketball League ay isang open basketball tournament para sa mga sumisibol na manlalaro mula sa amateur-commercial at collegiate, gayundin sa mga dating pro at Fil-foreign player.

“It’s a unique kind of basketball wth no limits.All interested individual playing outside the Philippine Basketball Association[PBA] are welcome. Every team can field as many Fil-foreign players as they want in every game.This project is a long term basketball program to help promote the sport that is well -loved by tjhe Filipinos,” pahayag ni ACE-BL founding chairman Anthony Cuevas -- isang Fil-Am amateur/commercial cager, at event organizer.

Tumataginting na P200,000 ang pot money para sa magkakampeon habang P100,000 at P50,000 naman para sa runner up.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si dating commercial player/coach Dennis Lim ang league Commissioner. Para sa dagdag na detalye, makipag-usp sa No. 09327271984 at 09152445555.