Hindi man kasinlalim nang mga nakalipas na drafting ang rookie applicant, hindi pahuhuli sa tikas ang mga collegiate player na sasabak sa PBA Rookie Drafting sa Oktubre 30.

Kabilang sa inaasahang sina FIBA Asia Challenge campaigner Chris Javier, Jonathan Grey, at amateur star Gelo Alolino sa aplikante na uaasahang makakakuha ng mataas na kontrata sa gaganaping drafting sa Robinsons Place Manila sa Ermita.

Sasalang din sina NCAA standout Palo Pontejos, Jovit dela Cruz, Jamil Ortuoste, John Tayongtong, Jordan dela Paz, at Mcjour Luib, gayundin sina UAAP stalwart Paolo Javelona, Mikee Reyes, Al Francis Tamsi, Achie Inigo, at Jeoffrey Javillonar.

Kasama naman sa special drafting ng Gilas Cadets sina Mac Belo, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Mike Tolomia, Ed Daquioag, Russell Escoto, Von Pessumal, Roger Pogoy, Arnold Van Opstal, Matthew Wright at Fonso Gotladera.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Sasabak din sina Carl Bryan Cruz, Levi Hernandez, Joseph Eriobu, at Jammer Jamito sa 55-rookie draftee.

Tangan ng Blackwater ang karapatan para pumili nang una sa regular at special draft.

Ipinahayag ng PBA na ang lahat ng rookie ay kinakailangang makiisa sa gaganaping Draft Combine sa Miyerkules at Huwebes sa Gatorade Hoops Center.