BAMBAN, Tarlac – Apatnapung Aeta mula sa malalayong barangay ng Mabilog at San Martin sa bayang ito ang tumanggap kamakailan ng P200,000 ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DoLE) at Bamban Public Employment Service Office.

Napag-alaman kay DoLE Regional Director Ana Dione na layunin ng kagawaran na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mahihirap sa Central Luzon, lalo na ang mga nasa malalayong lugar.

Binanggit din ni Dione na tumanggap ang mga benepisyaryo ng 200 kaban ng bigas para sa kanilang rice-retailing business at sumailalim sa Entrepreneurial Development Training upang matiyak na mapapangasiwaang mabuti at mapauunlad ng kanilang mga negosyo. (Leandro Alborote)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!