Napipinto ang panibagong oil price hike ngayong linggo.

Sa pagtaya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 40 sentimos hanggang 60 sentimos ang presyo ng bawat litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Ang nakaambang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong Oktubre 11, nagpatupad na ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Sa pangunguna ng Flying V, itinaas ng P1.55 ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene, habang 85 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina. (Bella Gamotea)