NANANATILI pa rin ang mensahe ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima, halos daan-daang taon na ang nakalipas – na humingi ang sangkatauhan ng kapatawaran at magdasal, partikular ng Rosaryo, para makamit ang kapayapaan ng mundo at ang buhay na walang hanggan.

Inihayag ni Fr. A.M. Martins, SJ, ekperto sa Fatima Apparition, na “wars and cataclysms are God’s punishments for our sins”.

Binanggit niya ang Banal na Kasulatan tungkol sa pagkawasak ng Sodom dahil sa kasalanan ng mga tao noong panahon na iyon.

Hanggang ngayon, aniya, patuloy pa ring nagkakasala ang sangkatauhan, partikular sa “pleasure with increasing refinements,” kinalilimutan ang mga aral ng nakaraan at ang Sampung Utos ng Diyos, na ikinalulungkot ng Panginoon.

Ang mga nakagugulat na nagaganap sa mundo, tulad ng mga giyera, terorismo at delubyo, ay halos katulad ng mga nangyari libu-libong taon na ang nakalipas, ayon kay Martins, binigyang-diin na dapat na baguhin ng mga tao ang kanilang relasyon sa Diyos para mailigtas ang magulong mundo mula sa pang-habambuhay na parusa.

Nanawagan ang clarion sa mga tao na humingi ng kapatawaran para sa kanilang kasalanan ngayon, bago pa maging huli ang lahat, dagdag niya.

Noong 1917, nagpakita ang Banal na Birhen sa kasagsagan ng aparisyon sa Fatima, Portugal sa tatlong bata – sina Lucia, Jacinta, at Francisco sa anim na magkakasunod na pagkakataon tuwing ika-labingtatlo ng bawat buwan na nagsimula noong Mayo 13 at natapos noong Oktubre 13.

Sa aparisyon, ibinunyag ng Babae na siya ang Banal na Birheng Maria, Ina ni Hesukristo.

Hiniling niya sa tatlong bata na humingi ng kapatawaran ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.

Inihayag ng Banal na Birhen ang kahalagahan ng pagdarasal, partikular na ng Banal na Rosaryo, at debosyon sa Immaculate Heart of Mary para mailigtas ang sangkatauhan mula sa habambuhay na kapahamakan.

Ang aparisyon sa Fatima ay imbitasyon para tunay na magsisi sa kasalanan bilang indispensable way to obtain the pardon of God our Father”, ayon kay Fr. Martins.

Sa kanyang libro, idinetalye ni Sister Lucia sa aparisyon noong Setyembre 13, 1917, ang sinabi ng Banal na Birheng Maria:

“Continue to pray the Rosary in order to obtain the end of the war (tinutukoy ang Unang Digmaang Pandaigdig na nasa kasagsagan nang mga panahong iyon). In October, Our Lord will come, as well as Our Lady of Dolours and Our Lady of Carmel. Saint Joseph will appear with the Child Jesus to bless the world. God is pleased with your sacrifices. He does not want you to sleep with the rope on, but only to wear it during the daytime.” Dito, sinimulan na ni Lucia na ilahad ang mga petisyon para sa pagbibigay-lunas, na tinugon: “Yes, I will cure some, but not others. In October, I will perform a miracle so that all may believe.” Ika-13 ng Oktubre 1917: “I want to tell you that a chapel is to be built here in my honor. I am the Lady of the Rosary. Continue always to pray the Rosary every day. The war is going to end, and the soldiers will soon return to their homes.” (PNA)