bimby-at-kris-copy

POSTPONED ang opening bukas ng bagong franchise ng Potato Corner and Nacho Bimby sa 4th floor Cinema side, Eastwood Mall, Libis Quezon City dahil hindi pa raw tapos, sabi ng nakausap naming insider.

Lalo tuloy tumindi ang excitement ng sales staff sa katabing puwesto dahil makikita raw nila si Bimby at siguradong kasama rin tiyak ang Mama Kris Aquino nito.

Dala marahil ng pagka-miss sa Queen of All Media na hindi muna napapanood ngayon sa telebisyon kaya inaabangan siya.

ALAMIN: Mga item na na-veto ni PBBM mula sa 'Unprogrammed Appropriations' ng 2026 nat'l budget

Oo nga, ang alam namin ay mahilig sa numero 8 si Kris dahil infinity raw ang ibig sabihin nito, kaya sa petsang ito niya itinatapat ang pagbubukas parati ng bagong negosyo nilang mag-iina.

As of this writing ay hindi pa nagbigay ng petsa ang source namin kung kailan matutuloy ang pagbubukas ng bagong Potato Corner and Nacho Bimby. Hmmm, posibleng sa Nobyembre 8, di ba, Bossing DMB? (Reggee Bonoan)