CABANATUAN CITY - Hindi muna pinangalanan ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang 20 barangay chairman na umano’y sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa probinsiya.

Ayon kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nagsasagawa pa sila ng beripikasyon at validation sa mga nabanggit na bilang ng mga pinuno ng barangay mula sa kabuuang 849 na barangay.

Sinabi ni Cornel na nalulungkot siya dahil mismong mga kapitan pa ng barangay, aniya, ang sangkot sa droga at ayaw tumulong sa kanila.

Inihayag din ni Cornel na dapat ay sumuko na lang agad ang mga kapitan na sangkot sa droga para malinis ang mga pangalan nila.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nabanggit pa ni Cornel na sa kabuuang 849 na barangay ay 155 sa mga ito ang “uncooperative” sa implementasyon ng Oplan Tokhang.

Nasa kamay na rin ni Police Regional Office (PRO)-3 Chief Supt. Aaron Aquino ang listahan ng mga barangay chairman, kagawad at tanod na umano’y sangkot sa illegal drugs activities sa rehiyon. - Light A. Nolasco