SAN JOSE, Batangas – Isang 64-anyos na sundalo ang nasawi, habang 15 ang nasugatan makaraang makasalpukan ng sinasakyan nilang pampasaherong jeepney ang isang mini truck sa national road sa Barangay Sto. Cristo sa bayang ito, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nestorio B. Moraleja, 64, may asawa, ng Bgy. Concepcion, Batangas City.

Sugatan naman sina Neriza A. Clet, 31, kawani ng San Jose Municipal Police, may asawa, ng Bgy. Alangilan, Batangas City; Dolores Gomes, 47, guro; Mary Grace Bonsol, 27; Merry Joy De Chavez, 18; Jan Jefferson Etruiste, 19; Vivian Bagon, 37; Armando Sostado, 58; Alvin Cruz, 36; Noble Ascan, 43; Michael Angelo Dargos, 21; Christoper Ilao, 28; Jurjun Creuzat, 27; at Ellazar Duites, 5, pawang taga-Batangas City.

Ang mga biktima ay pawang pasahero sa jeep na minamaneho ni Ruel Castillanes, 47, na nasugatan din, habang dinakip naman ng pulisya ang driver ng truck na si Robert Martin, 36, ng Bgy. Dagatan, San Jose. (Danny J. Estacio)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar