MALINAW na may problema ang polisiya sa agrikultura.

Sa katotohanan, marami itong problema, simula sa alokasyon ng subsidiya hanggang sa paraan kung paano nilalagyan ng label ang mga pagkain. Mayroon itong kabuuang problema na lalong nagpapahirap para solusyunan ang mga nabanggit na suliranin.

Gayunman, may isang grupo na buong pagtitiyagang nag-aaral sa mga polisiyang pang-agrikultura: silang may pinakamaraming inilaan na panahon, na karamihan ay mga magsasaka at mula sa mga industriya na nagsu-supply at nagsisilbi sa kanila. At dahil walang pagkakataon para makibahagi ang publiko, naiiwan sa mga magsasaka at sa mga pulitiko ang tungkuling balangkasin at itakda ang mga polisiya.

At ito ang problema.

Inihayag ni Ricardo Salvador, pinuno ng Food and Environment program sa Union of Concerned Citizen, sa isang email, na ang “Policy 101” para “to “incentivize the things government (the public interest) needs to happen and penalize those things that are against public interest.”

Mayroong polisiyang pang-agrikulutra para sa benepisyo ng publiko, ngunit hindi magkapareho ang interes ng mga magsasaka sa interes ng publiko. Ano ang ginagawa natin kapag ang pangangailangan ng mga magsasaka para mabuhay ay sumalungat sa iba pang layunin na interes ng publiko—ang kalusugan ng mga nagtatrabaho sa sakahan, kapaligiran, at hayupan?

Ang magandang balita ay mayroong malaking pagkakapareho sa pagitan ng farm interest at public interest; natural na interes ng publiko ang ligtas, abot-kaya, at iba’t ibang supply ng pagkain, at natural din na interes ng mga magsasaka ang pagmamantini sa kalusugan at kanilang kalupaan. Ngunit kung hindi magkakaiba ang dalawang interes, hindi tayo magkakaroon ng problema.

Halimbawa, isa sa mga isyu sa food supply ang pagbawas sa erosion at runoff. Nagdudulot ito ng problema sa polusyon sa tubig, pagkasira ng kalusugan ng taniman, at ang paglalabas ng greenhouse gases. Malaki at malawak ang problema.

Walang madaling sagot.

Sa pagtatanong sa mga tao at mga grupo na sangkot sa pagsasaayos at pagbabago ng polisiya, gaya ng mga grupong pangkapaligiran na Environmental Defense Fund at Environmental Working Group, kinatawan ng mga magsasaka na American Farm Bureau at National Farmers Union, ang mga grupo sa polisiya na Union of Concerned Scientists, AGree, at Food Policy Action, tinalakay nila kung paano tutugunan ang magkakaibang interes sa kapaligiran.

Ang pinakamalaking isyu ay kung magiging boluntaryo lamang ang mga conservation program o requirement para makapasa sa subsidiya. Inihayag nina Scott Faber, vice president for government affairs ng Environmental Working Group; at Tom Colicchio, board member ng Food Policy Action, na kailangan pa rin ng ibang requirements para rito.

“We have to admit that relying solely on voluntary incentives is not going to meet the big environmental challenge of agriculture,” ani Faber. “We need to define a basic standard of care on a crop-by-crop basis,” at sabihan ang mga magsasaka na sumunod dito para maging karapat-dapat sa subsidiya.

May limang paraan para mapabuti at mas maging maayos ang polisiyang pang-agrikultura. Una, padaliin para sa mga magsasaka na gamitin ang cover crops, na nakababawas ng runoff. Sunod, siguraduhin na mayroong sahod at tax breaks para sa mga magsasaka na gumagamit ng cover crops at buffer strips. Ikatlo, gawing up to date ang mga conservation program na may pagbabago sa precision agriculture. Dapat ding puntiryahin ang federal funds sa mga lugar na may matinding isyung pangkapaligiran tulad ng may pinakamatinding polusyon sa tubig. Ikalima, dahil ang mga panuntunan ay hindi nakasunod sa conservation practices, kailangang siguraduhin na maaaring makautang ang mga magsasaka sa mga ahensiyang pang-agrikultura ng mga bansa. (Washington Post)