Setyembre 15, 1616 nang buksan sa Frascati, Italy ang unang public school na natagpuan sa Europe. Si St. Joseph Calasanz, isang paring Spanish na kilala sa kanyang adbokasiya sa pagtuturo sa mga batang mahihirap, ang nagsilbing instrumento sa pagpapatayo ng paaralan.
Itinayo ni Calasanz ang The Order of Poor Clerics Regular of the Mother of God of the Pious Schools, kilala bilang Piarist Order, ang unang Catholic order na edukasyon ang adbokasiya. Responsibilidad ng nasabing order na magtayo ng iba’t ibang European public school.
Ilan sa Noble Prize winners, kabilang ang ilang sikat na artist gaya nina Victor Hugo at Francisco Goya, ang nakinabang sa Piarist-supported education.
Si Calasanz, na nag-aruga sa mga abandonadong bata, ay naging santo noong 1767.