CABANATUAN CITY - Pinasinayaan ng Cabanatuan City Police at ng pamahalaang lungsod ang Bahay Pag-asa Reformatory Center para sa mga lulong sa droga na boluntaryong sasailalim sa rehabilitasyon at pagbabago.

Ayon kay Cabanatuan City Police Officer-In-Charge Supt. Ponciano Zafra, ang bawat batch ay bubuuin ng 50 katao na sa loob ng 23 araw ay sasailalim sa rehabilitasyon at livelihood training para tuluyang maiiwas sa mga ilegal na gawain.

Ang center ay may mini gym, prayer room, activity hall, mga silid, visitor’s area, at livelihood training Center. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar