Matapos malagay sa balag ng alanganin, pinayuhan ni Senator Panfilo Lacson ang Pangulo na laging panaigin ang diplomasya.

“I hope our President will soon realize that diplomacy is always part and parcel of a country’s foreign policy and being the country’s leader, he shapes that policy,” ani Lacson.

Sinabi naman ni Senator Antonio Trillanes IV na maling-mali ang mga pahayag ng Pangulo laban kay US President Barack Obama.

“You don’t just slap the face of the most powerful country in the world and expect to get away with it,” ani Trillanes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung naniniwala si Senate President Aquilino Pimental III na hindi maaapektuhan ang relasyon ng US at Pilipinas sa banat ng Pangulo kay Obama, sinabi naman ni Senator Leila De Lima na kailangang manaig ang respeto at diplomasya dahil tatamaan nito ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa Mababang Kapulungan, maraming mambabatas naman ang kumampi sa Pangulo.

Nagkaisa sina Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, Reps. Rodel Batocabe (Ako Bicol); Eugene De Vera (ABS Partylist); Arlene Arcillas (NP, Laguna); Sherwin Tugna (CIBAC Partylist) at Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), na nagsabing tama lang ang posisyon ng Pangulo na huwag hayaang makialam ang ibang bansa sa Pilipinas.

(Leonel Abasola at Ben Rosario)