BINALONAN, Pangasinan - Napatay sa engkuwentro sa mga pulis ang isang lalaking nasa drug watchlist makaraang pumalag umano sa pagsisilbi ng search warrant sa Barangay Linmansangan sa bayang ito.

Kinilala ng Pangasinan Police ang napatay na si Rommel Flores, 44, ng Brgy Linmansangan, Binalonan, Pangasinan.

Magsisilbi ng search warrant ang magkakasanib na puwersa ng Binalonan Police, Laoac Police, Pozzurubio Police, Regional Public Safety Battalion 3rd Coy, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 nitong Huwebes ng hapon nang pagbabarilin umano sila ni Flores.

Nakarekober ang mga awtoridad mula sa suspek ng isang .38 caliber revolver na kargado ng bala, at sa kanyang bahay ay nasamsam ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, at isang granada.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Liezle Basa Iñigo)