Aiko at  Aga sa pelikulang 'Loving Someone' copy

KAHIT dati nang nagkatrabaho sina Aiko Melendez at Direk Olive Lamasan, pakiramdam ng aktres na nagsisimula siyang muli sa career niya.

Unang nagkatrabaho sina Aiko at Direk Olive noong 1994 sa Maalaala Mo Kaya The Movie na unang pelikula rin ng lady director.

“Sabi nga ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), nakaka-pressure. Ako, sa tagal ko sa industriya, bumalik na naman ako. Dito lang sa pelikulang ito (Barcelona: A Love Untold), nag-take 13 ako, sa buong buhay ko… at hindi pa siya breakdown or ano, napakasimpleng scene lang namin ni Kath.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Take 13 kasi sobrang busisi at talagang bawat artista sa pelikulang ito, binigyan ng kanya-kanyang highlight. Kaya ‘pag sinabing Inang Olive na may movie ka, ako nu’ng in-offer sa akin ito, sabi si Inang Olive ang direktor, hindi ko na muna binasa ang script, ‘sabi ko, ay si Inang, okay, go!’ Kahit ano pa ‘yan, si Inang ‘yan, eh,” detalyadong kuwento ni Aiko.

 

Nang tanungin kung kontrabida ba ang papel niya sa pelikula…

“Ay, no! I will never be, papatayin ako ng KathNiel (fans), I don’t like. I’m very nice, the KathNiels will love me,” natawang sagot ni Aiko sabay tawanan din ng buong KathNiel fans na nasa loob ng Dolphy Theater.

 

Samantala, naaalala ni Aiko kina Daniel at Kathryn ang panahon ng love team naman nila ni Aga Muhlach.

 

“They really remind me of the Aiko-Aga days, May Minamahal (movie, 1993), nakikita ko ‘yung sobrang sweetness nila and hindi natin masisisi talaga kung may maramdaman silang more than friendship as of now because ‘yung role na pino-portray nila (sobrang in love).

 

“Di ba nga nagkaroon ako ng first boyfriend sa May Minamahal sa katauhan ni Aga kasi na-in love rin si Monica (Aiko) at si Carlitos (Aga) sa isa’t isa? Kaya naiintindihan ko ‘yung pinagdadaanan nila, kaya sana huwag naman maudlot ‘yung sa inyo, kasi ‘yung sa amin (Aiko at Aga), naudlot, so ‘yun lang ang prayers ko,” nakakatuwang kuwento ni Aiko.

 

Oo nga naman, Bossing DMB, aminin natin, super-sikat at napakaganda ni Aiko during her prime sa showbiz kaya halos lahat ng aktor noon ay siya ang crush, mala-Liza Soberano siya that time, di ba?

 

Nabanggit din ni Aiko na masarap katrabaho ang KathNiel dahil masayahing mga bata.

 

“I’ve gained a new baby girl in Kathryn. DJ will always have a special place in my heart. I’ve always said this to Andre. ‘Andre, kung may idol ka na artista sa generation nila, gusto ko si Daniel Padilla ‘yun. Hindi lang dahil sa popularity niya.

 

“Like I said, ang acting napag-aaralan ‘yan, pero ang pag-uugali kahit tumanda sila dala-dala nila ‘yan. I will always have special words for both of you even ito ang first and last movie ko sa inyo. I love you both,” sabi ni Aiko sa KathNiel na seryoso namang nakikinig sa kanya.

Nagkatawanan naman ang lahat nang may magtanong kay Daniel kung sino ang peg niya sa mahaba niyang buhok ngayon na nauso noong 90s, sabay lingon kay Aiko, ang sagot ng loko, “Puwede na ba akong… Jomari (Yllana) na ba ako?

Ang reaksyon ni Aiko, “Ang nineties nga!” at iniwasang sagutin ang tanong tungkol kay Jomari kasi naman may boyfriend siya ngayon.

 

Mapapanood na ang Barcelona: A Love Untold sa Setyembre 14 kasama rin sina Joshua Garcia, Ana Capri, Joey Marquez, Cris Villanueva, Liza Diño at Ricky Davao mula sa direksiyon ni Olive Lamasan at sa panulat ni Carmi Raymundo produced ng Star Cinema. (Reggee Bonoan)