Gamit ang nylon cord, nagbigti ang isang 43-anyos na lalaki, railway maintenance worker ng Philippine National Railways (PNR), sa puno ng mangga na nakatanim sa mismong compound ng PNR sa Tondo, Manila kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Salvador Napile Jr., alyas “Azul”, 43, tubong Culacling, Camarines Sur, at residente ng Block 22, Lot 36, Southville 5A, Langkiwa, Biñan, Laguna.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 6:00 ng umaga nang madiskubre ni Alfred Mandas, 26, bridgeman ng PNR, ang bangkay ng biktima.

Ayon kay Raymundo Leonardo, 29, empleyado ng PNR, nabatid na huli niyang nakita ang biktima dakong 10:00 ng gabi sa loob ng kanilang dormitoryo kaya’t hindi umano siya makapaniwalang patay na ito.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Samantala, bago ang pagpapakamatay, nabanggit na umano ng biktima sa ilan niyang mga kasamahan sa trabaho na nais na niyang magpasagasa sa tren ngunit hindi nito sinabi ang kanyang problema.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)