DAGUPAN CITY, Pangasinan - Tiniyak ng pamunuan ng Dagupan City Police na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng limang taong gulang na batang babae na tinamaan ng ligaw na bala matapos barilin ang lolo nitong sangkot umano sa droga.

Sa tulong ng mga testigo, natukoy at kinasuhan na ng murder at frustrated murder si Bryan Macaayao, ng Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

Agosto 23, 2016 nang tamaan sa ulo ng ligaw na bala si Danica May Garcia habang nasa loob ng bahay nito sa Sitio Camangaan, Bgy. Caranglaan, Dagupan, makaraang barilin umano ni Macaayao ang lolo ng paslit na si Maximo Garcia, 53 anyos.

Tinamaan sa tiyan pero nakatakbo si Maximo, na nakaligtas sa insidente, habang nasawi naman ang bata.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kasabay nito, nangako rin ang pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office na tututukan ang kaso para mapanagot ang salarin. (Liezle Basa Iñigo)