CONCEPCION, Tarlac – Pinaniniwalaang sa pagnanais ng isang sindikato ng droga na makaiwas sa matinding parusa ay itinapon ng mga ito ang mga kemikal sa paggawa ng shabu at ilan pang drug paraphernalia sa isang bahagi ng SCTEX Road sa Barangay Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Sa report kay Tarlac Police Provincial Office director Senior Supt. Westrimundo Patrick Obinque, kabilang sa mga itinapon sa lugar ang sampung container gallon ng kemikal na gamit umano sa paggawa ng shabu, 12 botelya na may tatak na scharlau, 15 transparent bottle, isang bote na may yellowish/reddish liquid, 15 transparent plastic na naglalaman din ng nasabing likido, at iba pang pinaniniwalaang sangkap sa paggawa ng droga. (Leandro Alborote)
Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek