CABANATUAN CITY - Pinaniniwalaang natuldukan na ng pulisya ang talamak na distribusyon ng ilegal na droga makaraan nilang masakote ang sinasabing leader ng Lapina Drug Group sa Barangay M.S Garcia, sa pagsalakay nitong Miyerkules.

Kinilala ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang naaresto na si Ma. Elena Adriano, alyas “Ellen Lapina”, 36, may asawa, ng Purok 3, ng nasabing barangay na sinasabing nagbabagsak ng illegal drugs sa Nueva Ecija, Isabela, Bulacan, Tarlac, at Antipolo City sa Rizal.

Sa bisa ng search warrant, nasamsam mula sa suspek ang 10 plastic sachet ng shabu , 14 na bukas na pakete ng shabu, at drug paraphernalia. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar