CONCEPCION, Tarlac - Hindi naiwasan ng isang senior citizen ang pagbundol sa kanya ng isang Isuzu Forward ref van sa Concepcion-Magalang Road, Barangay San Nicolas Balas sa Concepcion, Tarlac, at namatay siya habang ginagamot sa ospital.

Kinilala ni SPO1 Eduardo Sapasap ang biktimang si Rafael Maliquinana, 65, ng Bgy. San Nicolas, San Fernando City, Pampanga.

Nabundol si Maliquinana ng truck (RND-428) na minamaneho ni Ariel De Leon, 50, may asawa, ng San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Sapasap, nangyari ang insidente dakong 7:30 ng gabi nitong Biyernes sa pagtawid ng biktima.

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone

(Leandro Alborote)