SAN LUIS, Batangas - Idineklara nitong Huwebes ang bayan ng San Luis sa Batangas bilang kauna-unahang drug-cleared municipalicity sa bansa, kaugnay ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-4A Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, Jr. ang pagdedeklarang drug-cleared sa 26 na barangay ng San Luis, na sinaksihan ng mga lokal na opisyal, mga religious leader, mga guro, at mga residente.

Nagbigay si Cabanag ng P100,000 pabuya sa San Luis Police dahil sa pagkakasugpo ng droga sa munisipalidad.

Ayon kay Senior Insp. Radam Ramos, hepe ng San Luis Police, bago magsimula ang Oplan Tokhang ay nasa 127 katao ang nasa kanilang drug watchlist, pero dahil sa programa ay umabot hanggang 351 ang sumuko sa pulisya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, sumailalim sa serye ng drug test ang mga sumuko at nagnegatibo ang mga ito, habang negatibo rin sa droga ang lahat ng kawani ng munisipyo at mga pulis. (Lyka Manalo)