APARRI, Cagayan – Kakila-kilabot na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) matapos siyang paghahatawin ng kahoy at pagtatagain ng sarili niyang mister makaraan siyang tumangging makipagtalik dito sa Barangay Paddaya, Aparri.

Kinilala ni SPO1 Emmanuel Padul ang biktimang si Marites Taloza, 42, habang kusa namang sumuko sa pulisya si Demy Taloza, 52, kapwa naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, Agosto 13 nang bumalik sa bansa si Marites upang bisitahin ang anak na may sakit at tumuloy siya sa bahay ng kapatid na lalaki, hanggang sa sinundo siya ng suspek nitong Agosto 17.

Madaling araw ng Agosto 18 ay hiniling ni Demy na magsiping sila pero tumanggi ang biktima kaya binugbog siya ng asawa, pinagpapalo ng kahoy at pinagtataga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon sa imbestigador, nais ng biktima na hiwalayan na ang mister nito kaya ayaw nitong makipagtalik dito. (Liezle Basa Iñigo)