JAKE EJERCITO LANG_pls crop copy copy

NAALIW ang netizens na nakabasa sa Twitter war nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na nagsimula nang lumabas ang interview kay Andi sa presscon ng Camp Sawi.

Matagal na naging on and off ang relasyon nina Andi at Jake, pero tuluyan na silang naghiwalay noong 2014. Nabanggit ni Andi si Jake nang matanong ng press kung sinong ex-boyfriend niya ang nagbigay ng pinakamabigat na sama ng loob sa kanya. Nakarating kay Jake ang interview ni Andi at nag-react.

“Alright, I’ve no idea why I’m being mentioned in interviews to promote something I’m not even part of and when my closest connection to the film is someone I haven’t been in proper contact with for a long time.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Can’t you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?

“As much as I’ve tried my best to ignore it, I can’t stay silent when I am conveniently and effortlessly being maligned out of nowhere.”

Mas mahaba ang sagot ni Andi na hindi nagpatalo sa ex-boyfriend, at kung English ang tweet ni Jake, Tagalog naman ang kay Andi.

“’Yung pelikula namin title pa lang alam mo na kung tungkol saan. Malamang sa lahat ng interview ang unang tanong sa aming lima ay tungkol sa mga panahon na lahat kami ay nakaranas ng pagkasawi. #CampSawi nga, eh.

“Bago mo isipin na ginagamit ka para sa pelikula sana inisip mo muna na sumasagot lang po kami base sa kung ano ang nararamdaman namin... nu’ng mga panahon na ‘yon. Sorry naman kung hanggang hiwalay na tayo, bawal ko pa rin i-share ‘yung PERSONAL kong pinagdaanan para makapagmove-on.

“Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao? At out of limang sawi, ikaw lang ang ex na nag-feeling na ginagamit ka namin para lang makapag-promote ng pelikula. Mayroon akong apat na maganda, sexy, at magagaling na kasama sa pelikula hindi kita kailangan para lang panoorin ang pelikula namin.

“So bago mo isipin, na ginagamit ka o dinadamay ka sa pelikula, sabihin mo na lang sa mga tao na wag nila akong tanungin tungkol sa mga tao o mga oras na pinakanasaktan ako.

“If you have no ounce of respect for me, then I have lost all respect I had left for you. So don’t you dare even complain about Ellie and I being accepted and loved wholeheartedly by someone else because that is not our fault.

That you found it so hard to be proud that you had us.

“Just in case hindi pa obvious, Mr. Jake Ejercito, para sa iyo lahat ‘yan.”

Hindi pa riyan nagtapos ang sagutan nina Andi at Jake, dahil nang may netizen na nag-tweet ng, “Look how irrelevant you have become @unoemilio. Lost all respect. You need to listen to this woman @andiegirl,” sumagot si Jake ng, “No thanks. I’d rather be real than be a relevant sham any day.”

Dinugtungan pa ito ni Jake ng, “And when the entire story and the truth come out, you’ll thank me for exposing and ridding the world of another fake. But till then.”

Humirit naman tuloy uli si Andi, at mas mahaba uli ang sagot niya.

“Take note: narcissist lang ang makakaisip n’yan! Bagay kayo ni ateng Taylor (Swift). ‘Buti nga kaya ko aminin na nasawi ako, eh. Bakit, bawal ‘yon?

“Clarification: hindi ko naman siya siniraan, di ko naman s’ya pinag-usapan sa present tense. Di ko naman s’ya nilait. ‘Wag masyado mayabang. Nahahalata ‘yung pagiging Narcissistic mo. So DON’T ME. Camp Sawi man ang pelikula ko IRL, ako yata ang camp master sa #CampMoveOn.

“Kaya nawala ‘yung taong mahal mo sa buhay mo dahil masyado kang busy hanapin lahat ng mali kesa tumingin sa tama.

Tingnan n’yo, kung mag-respond ‘yan, pangba-bash and paninira ang gagawin. IDK why I even bothered when we should all know now there’s no talking sense into guys like him. Ikaw na naman, eh. Lahat ikaw. Lahat tungkol sa iyo. Ikaw na talaga. Ikaw na nga.”

May sagot din si Andi sa nabanggit ni Jake na, “I’d rather be real than be a relevant sham any day.”

“’Relevant sham’ said the talentless guy who joined AlDub to stay in the spotlight and campaign for his dad. Slim shadeyy. I merely stood up for myself. And that is something I will not apologize for.”

Anyway, sa August 24 ang showing ng Camp Sawi sa direction ni Irene Villamor. Kasama ni Andi sa cast sina Arci Muñoz, Kim Molina, Yassi Pressman at Bela Padilla. (NITZ MIRALLES)