Malugod na tinanggap ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Lunes ang mga kinatawan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF) peace panels sa Malacañang bago ang nakatakdang pormal na pagpapatuloy ng negosasyon sa Oslo, Norway sa Agosto 20 hanggang 27.

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga miyembro ng government panel (GPH), habang ang NDF personalities ay pinamunuan ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo.

Sa kanilang pagpupulong, binigyang diin ng Pangulo na hindi siya papayag sa coalition government sa mga komunista.

“I was talking to the NDF panel and we had the discussion about how to shape up a government without necessarily going into the complicated task of coalition because I don’t think it would work,” sabi ng Chief Executive matapos ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal sa Rizal Hall ng Malacañang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“And I said that maybe, what would come out of these talks in Oslo, I would insist that I retain the control of the military and the police, and they can have the mundane matters of government. As a matter of fact, nandiyan na sila,” dagdag niya.

Nangyari ang pagpupulong sa kabila ng pagpapalitan ng akusasyon nila ni Communist Party of the Philippines (CPP) leader Jose Maria Sison matapos tumanggi ang mga komunistang rebelde na tugunan ang unilateral ceasefire ng gobyerno.

Kasama ni Bello sa pakikipagpulong sa Pangulo sina GPH panel member Angela Librado-Trinidad, dating agrarian reform secretary Hernani Braganza at at bagong GPH panel member Antonio Arellano, retiradong regional state prosecutor sa Region 11.

Kasama naman ni Ocampo sina NDF panel member Fidel Agcaoili at NDF lawyer Edre Olalia.

Nasa pulong din sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Immigration commissioner Jaime Morante.

20 PEACE CONSULTANTS PINAGPIYANSA

Kaugnay ng peacea talks, naglabas na ng kautusan ang mga lokal na korte na nagpapahintulot sa pagpiyansa ng 18 nakadetineng peace consultants ng NDF at dalawa pang indibiduwal na sakop ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Sa urgent motion na inihain sa Supreme Court noong Agosto 2, 2016, iginiit ng human rights watchdog na Karapatan ang agarang pagpapalaya sa 20 detainees, na ayon dito ay mahalaga sa pag-usad ng peace negotiations ng GPH at NDF.

Ang mga consultant at political prisoner na pinayagang nang magpiyansa ay ang mga sumusunod: Tirso Alcantara, Ariel Arbitario, Renato Baleros, Sr., Kennedy Bangibang, Alexander Birondo, Winona Birondo, Ma. Concepcion Araneta Bocala, Pedro Codaste, Edgardo Friginal, Renante Genelsa, Alan Jaminez, Ernesto Lorenzo, Loida Magpatoc, Alfredo Mapano, Ruben Saluta, Adelberto Silva, BenitoTiamzon, Wilma Tiamzon, at Porferio Tuna. (ELENA L. ABEN at Chito Chavez)