ROXAS, Isabela - Patay ang isang biyuda matapos siyang saksakin ng screw driver ng dati niyang kasintahan habang nasugatan din ang nagtangkang umawat sa suspek sa Barangay Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ng Roxas Police ang biktimang si Elnora Delgado, 42, beautician, ng Bgy. Nuesa. Nasugatan naman si Jeremy Rubio, 37, sa pag-awat kay Leonardo Cabanilla, 62, driver, ng Bgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Ayon sa report, dakong 4:30 ng hapon at sinundo ni Delgado ang kanyang dalawang anak sa Roxas Central Elementary School sakay sa tricycle, na nang huminto ay sinugod at pinagsasaksak ni Cabanilla ang biktima, habang mabilis namang umawat si Rubio.

Selos ang sinasabing dahilan ng pananaksak ng suspek, na naaresto at kakasuhan ng murder at frustrated murder.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Liezle Basa Iñigo)