CONSISTENT ang pagwawagi sa airwaves ng ABS-CBN, news programs man ito o entertainment shows.
Mula sa inihahatid na mga balita hanggang sa values-oriented na mga programa, ABS-CBN ang mas tinatangkilik ng mas maraming Pilipino nitong nakaraang buwan sa naitalang national audience share na 47% kontra 32% GMA-7, batay sa viewership survey data ng Kantar Media.
Kalahati sa total Philippine households ang nakatutok sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pumalo sa national audience share na 50%, 20 puntos ang lamang sa GMA na nagtamo naman ng 30%. Mainit ang bakbakan sa primetime ratings na pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito pinakamarami ang nanonood. Kaya sa mga oras na ito naglalagay ng patalastas ang advertisers para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Bukod sa primetime, namayagpag din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks nationwide nitong Hulyo. Wagi ang ABS-CBN sa morning block (6AM to 12NN) sa audience share na 42% vs GMA na may 33%; sa noontime block (12NN to 3PM) na nagtamo ng 45% kontra 33% ng GMA, at sa afternoon block (3PM to 6PM) na pumalo sa 47% audience share versus GMA na may 32%.
Nangunguna pa rin sa paramihan ng mga nanonood ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 43.1%. Tinalo ni Cardo (Coco Martin) ang bago niyang kalabang telefantasya na Encantadia (19.9%).
Pangalawa ang The Voice Kids (36.9%) at sumunod ang Wansapanataym (34.2%). Hindi rin nagpahuli ang most loved teleserye na gabi-gabing nagpapakilig at nagbabahagi rin ng magagandang aral, ang Dolce Amore, na pumuwesto sa ikaapat sa average national TV rating na 33.6% kontra sa kalaban nitong koreanovela na Descendants of the Sun na hindi pinalad makapasok sa top 20 sa average national TV rating na 15.7%.
Nananatiling numero unong newscast sa bansa ang TV Patrol (32%) at pasok din ang current affairs programs na Rated K at SOCO na pumalo ng 23.3% at 19.5%, ayon sa pagkakasunod.
Wagi rin ang pinakabagong primetime game show na Minute to Win It, na may average national TV rating na 17.3% kumpara sa kalabang Wowowin na may 14.5%.
Kabilang din sa top 20 ang Maalaala Mo Kaya (33.5%), Home Sweetie Home (25.7%), Goin’ Bulilit (24%), Ipaglaban Mo (19.8%), TV Patrol Weekend (19.6%), It’s Showtime (19.4), It’s Showtime (18.5%), Doble Kara (18.2%), Tubig at Langis (17.3%), Born for You (17.3%), at Be My Lady (17.2%). (ADOR SALUTA)