NEW YORK (AP) – Inihabla ng mga prosecutor sa U.S. ang dalawang dating opisyal ng Venezuela sa kasong droga.
Sina Nestor Reverol, dating pinuno ng anti-drug agency ng Venezuela, at Edilberto Molina, dating nagtrabaho sa ahensiya, ay pinangalanan sa asunto na inilabas noong Lunes ng federal court sa New York City.
Inaakusahan sila ng pagtanggap ng mga suhol kapalit ng pagbibigay ng impormasyon sa cocaine traffickers kaugnay sa mga raid at pagharang sa drug investigations. Ang dalawa ay kapwa wala sa kustodiya.
Itinanggi ni Reverol ang akusasyon. Tahimik naman si Molina.