Binuksan ng Kuwait Ministry of Health ang pintuan nito sa mga interesadong Pinoy nurses at iba pang medical staff para makapagtrabaho sa nasabing bansa.

Kabilang sa mga trabahong prioridad mapunan ng Kuwait ang para sa 250 babaeng registered nurse, na nasa edad 23-40 at may mahigit dalawang taong kasanayan sa ospital.

Kailangan din ng 10 babaeng dental hygienist, tig-10 lalaki at babae na dental technician, at 10 babaeng tagalinis.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Pupunta na sa Pilipinas ang delegasyon ng Kuwait Ministry of Health upang magbigay ng libreng eksaminasyon ng licensure at interview sa mga aplikante.

Una itong gagawin sa Hulyo 31-Agosto 2 sa Ugong, Pasig City; at sa Agosto 3-4 sa Pinnacle Hotel and Suites sa Davao City.

Ang mga papasang aplikante ay sasahod ng P42,000-P46,000. (Mina Navarro)