Inaresto ng pulisya ang isang umano’y operator ng hinihinalang cybersex den at 10 iba pa sa raid ng awtoridad sa Aliaga, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Supt. Jay Guillermo, tagapagsalita ng Anti-Cybercrime Group, modus ng grupo ni Alvin Jay Bacobo na kumbinsihin ang mga netizen na magkaroon ng live chat sessions sa kanyang mga miyembro at hihilingin sa mga ito na magsagawa ng malalaswang bagay.

Ngunit hindi batid ng mga biktima na palihim na inire-record ang malalaswang bagay na ginagawa nila.

“They would then use these recorded videos to blackmail the victims, they would extort money from them in exchange for not uploading the video in the social media,” sabi ni Guillermo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The cybersex den operates under the guise of a computer gaming shop,” dagdag niya.

Naaresto si Bacobo at ang 10 niyang kasabwat sa pagsalakay ng mga pulis sa Barangay Sto. Rosario sa Aliaga nitong Miyerkules ng gabi.

May hinala ang pulisya na pinagagamit muna ng droga ang mga kasabwat ni Bacobo bago ang session dahil na rin sa sangkatutak na pakete ng marijuana na nasamsam sa raid. (Aaron Recuenco)