Nasa kabuuang 350 estudyanteng katutubong Aeta ang natulungan ng Parents and Teachers Association (PTA) ng Adamson University sa isinagawang outreach program sa Porac, Pampanga, kamakalawa. Kabilang sa mga natulungan ang 50 ulilang Aeta na inampon at pinapaaral ng Archdiocese of Pampanga.

Pinangunahan nina Adamson PTA President Arnold Rosales at Adamson-Basic Education Department (BED) principal Dr. Lucky Carpio ang pamamahagi ng school supply, tinapay at juice sa mga katutubong estudyante.

Lahat ng dumalo sa outreach program ay umuwing masaya at busog dahil sa natanggap nilang tulong.

Malugod namang nagpapasalamat ang mga katutubo sa pagkakaroon ng “ginintuang puso” ng lahat ng opisyal at miyembro ng PTA-Adamson dahil sila ang napiling beneficiary ng isinagawang outreach program. (Mary Ann Santiago)

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'