Nagtala ng bagong rekord ang magkapatid na Marco at Kirsten Chloe Daos upang pamunuan ang natatanging swimmer sa pagbura sa dating marka sa 2016 National Long Course Swim Championships, sa Rizal Memorial Swimming Complex.

Pinabilis ng 17-anyos na si Kirsten Chloe ang league record sa Girls 800m free sa pagtatala ng 9 na minuto at 42.11 segundo sa pagtabon sa dating itinala ni Jasmine Veronica Ongkiko na 9:55.02 noong 2011. Hawak naman ni Hannah Dato ang Open league record na 9:27.37.

Hindi pa nakuntento ay nagtala muli ng bagong rekord sa ikalawang araw si Kristen Chloe sa Girls 400m free mula sa nilangoy na 4:35.36 para higitan ang dating marka na 4:46.31 na itinala ni Kimberly Uy noong 2011.

Tinabunan naman ng 11-anyos at nakababata nitong kapatid na si Marco ang league record sa Boys 400m free sa nilangoy na 4:57.65 upang burahin ang dating 5:00.08 na itinala ni Kurt Anthony Chavez noong 2013 para sa kanyang ikalawang gintong medalya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Una nang nagwagi ng ginto si Marco sa Boys 1,500m free sa oras na 20:03.86, kapos sa rekord na 19:16.00 ni Kurt Anthony Charez noong 2013.

Nagtala rin ng kanyang sariling rekord ang 15-anyos na si Xiandi Chua sa nilangoy nito na 4:35.27 segundo sa Girls 400m free upang tabunan ang dating rekord na 4:41.23 na itinala ni Catherin Bondad noong 2013. Ang Open League record ay 4:34.37 na hawak ni Hannah Dato.

Bagamat pumangalawa lamang kay Daos sa Girls 400m free, nabura rin niya ang league record ni Coleen Limsue na 4:45.54.

Samantala, nagsipagwagi ng tig-dalawang ginto sina Mary Angelika Saavedra sa Girls 19 Over 400m free (4:47:03) at 800m free (10:22.90); Julia Iona Balanag sa Girls 18 400m free (5:02.76), at 800m free (10:31.58), at Kristina Frances Baccay sa Girls 13 400m free (4:53.43), at 800m free (10:01.47).

Nakakuha rin ng tig-dalawang ginto sina Janelle Alisa Lin sa Girls 12 400m free (4:51.18) at 800m free (9:59.91); Maurice Sacho Ilustre sa Boys 17 400m free (4:10.03) at 1,500m free (16:58.49); Philip Joaquin Santos sa Boys 15 400m free (4:22.94) at 1,500m free (17:12.52); Miguel Barreto sa Boys 13 400m free (4:36.45) at 1,500m free (20:03.86).

(Angie Oredo)