HINDI mo na mararamdaman na mahina ka dahil sa pagbubuhat ng magaan na weights sa gym: Isang pag-aaral ang nakatuklas na ang pagbubuhat ng light weights ay kasing epektibo rin ng pagbubuhat ng heavy weights para sa pagpapalaki ng muscles
Ang susi ay ang pagbubuhat ng weights ng maraming beses para mapagod ang iyong muscles, na katulad lamang ng pagbubuhat mo sa mabibigat na weights, sabi ng mga researcher.
“Fatigue is the great equalizer here,” sabi ng study researcher na si Stuart Phillips, professor ng kinesiology sa McMaster University sa Ontario, Canada, sa isang pahayag. “Lift to the point of exhaustion, and it doesn’t matter whether the weights are heavy or light.”
Kasali sa pag-aaral ang 49 na may karanasan bilang weight lifters na nahati sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay bumuhat ng mas magaan na weights (sa pagitan ng 30 at 50 percent ng maximum weight na maaaring buhatin ng isang indibiduwal), para sa 20 hanggang 50 na repetition kada set (kada set ay dapat ulitin ng tatlong beses). Ang kabilang grupo naman ay bumuhat ng mas mabigat na weights (sa pagitan ng 75 at 90 percent ng maximum weight na kaya buhatin ng tao) para sa 8 hanggang 12 na repetition kada set. Itong strength-training workout ay ginawa sa loob ng apat na araw kada linggo, sa 12 na linggo
Sa huli ng pag-aaral, nagbigay ang mga kalahok ng kanilang sample ng muscle tissue at sinuri ng mga researcher ang kanilang katawan kung may pagbabago sa sukat ng kanilang muscle fiber at muscle mass, na mahalaga para sukatin ang lakas.
Natuklasan sa pag-aaral na nagpakita ng magkaparehong pagbabago ang dalawang grupo sa bilang ng kanilang lean muscle mass sa kanilang katawan at sukat ng kanilang muscle fiber. Nagpakita rin ng magkaparehong pagbabago ang dalawang grupo sa pagsukat ng kanilang muscle strength.
Bagamat maaaring hindi na mabago ang workout regimens ng mga elitistang atleta base sa bagong natuklasan, may implikasyon naman ang pag-aaral para sa isang average Joe na gustong madagdagan ang kanilang lakas, sabi ng mga researcher.
“For the ‘mere mortal’ who wants to get stronger, we’ve shown that you can take a break from lifting heavy weights and not compromise any gains,” sabi ni Phillips. “It’s also a new choice, which could appeal to the masses and get people to take up something they should be doing for their health.”
Nakadagdag ang bagong tuklas sa mga dating pag-aaral ng parehong grupo ng mga researcher, na nakadiskubre na ang pagbubuhat ng mas magaan na weights ay kasing epektibo rin ng pagbubuhat ng mas mabigat na weights para sa pagbuo ng muscles ng kalalakihan na walang karanasan bilang weight lifters.
Ang bagong pag-aaral ay nailathala sa online noong Mayo 12 sa Journal of Applied Physiology. (LiveScience.com)