WASHINGTON (AP) – Dapat na maging handa ang United States na gumamit ng puwersang militar para kontrahin ang pambabraso ng mga Chinese sa pinagtatalunang reef sa baybaying sakop ng Pilipinas, sinabi ng isang dating commander ng U.S. forces in the Pacific sa congressional hearing noong Miyerkules.

Inirekomenda ito ni Dennis Blair sa Senate panel, isang araw matapos ipawalang-bisa ng isang international tribunal ang malawakang pang-aangkin ng Beijing sa South China Sea.

Ang layunin ay hindi para hamunin ng away ang China sa Scarborough Shoal, kundi magtakda ng limitasyon sa panghihimasok ng militar nito, ani Blair.

“I think we need to have some specific lines and then encourage China to compromise on some of its objectives,” aniya sa pagpulong.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'