DINGDONG copy

IDINAAN na lang ni Dingdong Dantes sa sagot na “uhhm... k p nmn aq” ang tanong sa Twitter tungkol sa nakakainis na maling tsismis na patay na raw siya.

Natawa ang mga nakabasa sa sagot ni Dingdong dahil obvious na sinakyan na lang niya ang netizen na hindi alam kung seryoso o gusto lang talagang mang-inis.

Nasa London si Dingdong nang lumabas ang balitang patay na raw siya. Pero kung talagang follower niya ang nagtanong na netizen, alam nitong buhay na buhay ang aktor at nag-post pa sa Twitter at Instagram (IG) ng mga pinuntahang lugar doon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May kasabihan na hahaba pa ang buhay ng natsitsismis na patay na, kaya ito na lang siguro ang konsuwelo ng totoong followers na nagmamahal kay Dingdong.

Kung may duda pa ang netizen, sana alam niyang nakabalik na ng Pilipinas si Dingdong at sinamahan pa nga si Marian Rivera sa pagdalo ng premiere night ng Imagine You & Me. Nag-cameo si Marian sa movie nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang manghuhula at kuwela ang mga eksena nila ni Maine.

Ngayong nakabalik na ng bansa, kung tapos na si Dingdong sa taping ng mga eksena niya saEncantadia, makakapag-shooting na siya nang tuluy-tuloy sa Star Cinema movie nila nina Angelica Panganiban at Paulo Avelino na The Second Wife sa direction ni Maryo J. delos Reyes.

Sabi ni Direk Maryo, September ang playdate ng movie, kaya magsu-shooting na sila.

Samantala, ginagampanan ni Dingdong sa Encantadia ang role ni Raquim, ang mortal na pag-ibig ni Reyna Mine-A (Marian Rivera). Nasa original Encantadia rin ang aktor bilang si Ybarro na napunta kay Ruru Madrid. Masaya si Dingdong na kasama uli siya ng fantaserye at excited siya sa apat na Sang’gre dahil alam niyang magiging boost sa career nila ang pagbibida sa requel ng fantaserye. (NITZ MIRALLES)