Dahil naging matagumpay ang pagsasagawa ng “Lakbay Ligtas” noong Hulyo 2015, muling lumagda ang Petron Corporation at Philippine National Police (PNP) sa isang memorandum of agreement (MoA) upang palawakin pa ang proyekto sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Petron Assistant Vice President for Corporate Affairs Charmaine V. Canillas, muling nag-alok ang Petron ng pagtatatag ng police center sa 300 istasyon nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang magbigay ng tulong sa mga emergency situation.

Aniya, magtatalaga ng lugar ang pulisya sa mga istasyon ng Petron upang mabilis na makaresponde sa krimen.

Dalawang tauhan ng PNP ang magmamando sa bawat police outpost sa Petron station ng hindi bababa sa isang oras kada araw. Gagamitin din ito bilang complaint desk sa mga krimen.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Bukod dito, mamamahagi rin ang pulisya ng mga anti-crime leaflet sa mga Petron station at maaari rin itong gamitin bilang bagsakan ng relief goods sa panahon ng kalamidad.

Isinailalim din ng PNP ang mga tauhan sa Petron service station sa pagtulong sa mamamayan at pakikipag-ugnayan sa pulisya tuwing may emergency.