Brillante-Mendoza_1404671c copy

HUMIHINGI ng tulong ang direktor ng pelikulang Ma’ Rosa na si Brillante Mendoza na suportahan ang nasabing pelikula dahil nanganganib na itong tanggalin sa mga sinehan.

Ito ang post ni Direk Brillante sa kanyang Instagram at Facebook account: “I would like personally thank everyone who watched our film Ma’ Rosa. We are grateful with your support and positive reviews. However, we are on a brink of being pulled out in some cinemas due to lack of audience. Therefore, I am urging especially, those who haven’t seen the film to please watch Ma’Rosa. Still showing in select theaters.”

Sinulat namin kamakailan na may ilang foreign at local films na nabukas last week na hindi kumita pero hindi namin binanggit ang Ma’ Rosa, batay sa kuwento ng aming napagtanungang supervisor ng isang sinehan.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Sabi pa namin, masuwerte si Kiray Celis dahil kumita ang I Love You To Death at ang The Purge: Election Year kasi mas type ng tao na nagugulat sila dahil sa patayan at pawang extended naman ang iba tulad ng The Achy Breaky Hearts, Independece Day 2, The Conjuring, Finding Dory at Now You See Me.

Obviously, konti lang din ang nanood ng Ice Age at Alice Through The Looking Glass kaya mahina.

Gusto naming mapanood ang Ma’ Rosa at hopefully this week ay maabutan pa namin dahil gusto naming kami mismo ang makasaksi kung paano nakamit ni Ms. Jacklyn Jose ang Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival kahit na hindi maganda ang feedbacks ng ilang katotong nakapanood na. (Reggee Bonoan)