Hulyo 6, 1944 nang sumiklab ang sunog sa Ringling Bros. and Barnum & Bailey Circus sa Hartford, Connecticut. Mabilis na kumalat ang apoy sa canvas ng circus tent. Aabot sa 167 katao ang namatay at 682 naman ang sugatan.

Agad nagpulasan palabas ang mga tao at marami ang nakaligtas mula sa nahulog na canvas. Gayunman, gumuho ang kabuuan ng istruktura nang masira at tuluyang maputol ang mga lubid, dahilan upang mamatay ang mga hindi nakalabas.

Ilan sa mga nakaligtas ay nagtamo ng sugat sa katawan at trauma.

Nilagyan ng flammable paraffin ang waterproof na tent at hinaluan ng gasolina, natuklasan sa imbestigasyon. Ngunit, noong 1950, inamin ni Robert Segee, isang arsonistang taga-Ohio, na siya ang dahilan kung bakit nagkasunog, at sinentensiyahan siya ng dalawang taong pagkakakulong.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’