Hulyo 5, 1996 nang ipinanganak si Dolly the Sheep (codenamed “6LL3”) sa Roslin Institute, Scotland. Ang hayop, na isinunod ang pangalan sa singer-actress na si Dolly Parton, ay ang unang mammal na cloned mula sa isang adult cell.

Tanging ang tupa na si Dolly ang nabuhay matapos sumubok nang 277 beses, at kinailangang gumamit ng mga siyentista ng udder cell mula sa isang anim na taong gulang na puting tupa na Finn Dorset. Inilagay ng mga siyentista ang selula sa isang unfertilized egg cell na nakahiwalay ang nucleus, at nakagawa ng electrical pulses sa cell. Inilagay ang 29 na unang embryo sa 13 surrogate na ina.

Ginawa ang cloning para lumikha ng gamot mula sa gatas ng mga hayop sa farm. Nanganak ng apat na tupa si Dolly sa tulong ng isang lalaki na tupa na si David.

Ngunit natuklasan noong Enero 2002 na may arthritis sa mga likurang binti ni Dolly at na-euthanize siya noong Pebrero 14, 2003. Iginiit ng mga cloning supporter na ang pagsasagawa nito ay nakatutulong sa pagsusulong ng modernisasyon sa larangan ng medisina.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens