Turkey Airport Blasts_Luga copy

ISTANBUL (Reuters) – Tatlong suicide bombers ang nagpaulan ng bala at pagkatapos ay pinasabog ang kanilang mga sarili sa pangunahing international airport ng Istanbul noong Martes ng gabi na ikinamatay ng 36 na katao at ikinasugat ng 150 iba pa sa pag-atake na ayon sa prime minister ng Turkey ay kagagawan ng mga militanteng Islamic State (IS).

Isa sa mga umatake ay namaril sa departures hall ng Ataturk Airport gamit ang automatic rifle, nagbunsod ng pagtakbuhan at pagtago ng mga pasahero, bago pinasabog ng tatlo ang kanilang mga sarili sa arrivals hall sa ibabang palapag, sinabi ng mga saksi at mga opisyal.

Ang atake sa pangatlong pinakamataong paliparan sa Europe ay isa sa pinakamadugo sa serye ng mga suicide bombing sa Turkey, na nagsusumikap na makontrol ang spillover sa civil war ng katabing Syria at nilalabanan ang insurhensiya ng mga militanteng Kurdish sa timog silangan nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagpaputok ang mga pulis para mapigilan ang dalawa sa mga umaatake bago makarating ang mga ito sa security checkpoint sa arrivals hall, ngunit pinasabog ng mga salarin ang kanilang mga pampasabog, ayon sa isang Turkish official.

“It became clear with this incident again that terrorism is a global threat. This attack, targeting innocent people is a vile, planned terrorist act,” sabi ni Prime Minister Binali Yildirim sa mamamahayag sa airport.

“There is initial evidence that each of the three suicide bombers blew themselves up after opening fire,” aniya, idinagdag na dumating ang mga salarin sa paliparan sakay ng taxi at batay sa preliminary findings ito ay kagagawan ng IS.

Karamihan ng mga namatay ay Turkish nationals ngunit may ilang banyaga na kabilang sa mga nasawi, ayon sa opisyal.

Sinabi ni President Tayyip Erdogan na ang pag-atake ay dapat na magsilbing turning point sa pandaigdigang paglaban sa mga militanteng grupo.

“The attack, which took place during the holy month of Ramadan, shows that terrorism strikes with no regard for faith and values,” aniya sa isang pahayag.

“The bombs that exploded in Istanbul today could have gone off at any airport in any city around the world,” diin niya, hinimok ang lahat ng gobyerno na magsanib-puwersa laban sa terorismo.