Nagpasya na si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez na magretiro nang mas maaga sa serbisyo o dalawang araw bago ang panunumpa sa tungkulin ni incoming President Rodrigo Duterte sa Huwebes.

Kaugnay nito, nakatakda ring gawaran ng PNP si Marquez ng retirement honors sa Martes upang mabakante ang four-star rank sa PNP.

“Even before the elections, I said that whoever wins, I will retire on June 30 because if I would not retire, the next PNP Chief will not be able to sport the four star,” pahayag ni Marquez.

Ang orihinal na mandatory retirement schedule ni Marquez ay sa Agosto 2016, kasabay ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Base sa polisiya ng PNP, iisa lang ang maaaring gawaran ng ranggong Director General, o four-star rank, na para sa itinalagang hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa pagreretiro ni Marquez, uupo naman bilang bagong PNP chief si Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa, na itinalaga sa puwesto ni Duterte. (Aaron Recuenco)