Naniniwala ang isang obispo ng Simbahang Katoliko na magiging ganap lamang ang hangad na pagbabago sa lipunan kung magkakaroon ng pagbabago sa mga programa at sa mga tagapagpatupad ng mga ito mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL), walang pagbabago kung mananatili sa puwesto ang mga hindi nakapagsisilbi nang tapat at maayos sa mamamayan.

“Lagi lang tayong nag-aabang, ano ba talaga ‘yung mga programa na kanilang gagawin at sino ba talaga ‘yung mga magpapaligid sa kanila? So, sana ‘yan ay kung gusto natin ng pagbabago, dapat may mga bagong tao, may mga bagong programa. Hindi tayo magkakaroon ng pagbabago kung ang programa ay pare-pareho,” sinabi ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'