Para mas magiginghanda ang mga atleta, kinuha ng Philippine Canoe Kayak Federation ang dating Olympic bronze medalist mula sa Bulgaria bilang coach.

Sinabi ni PCKF President Jonne Go na makakasama nila ang 1988 Seoul Olympics at 1987 World Championship Kayak bronze medalist na si Ognyana Dusheva sa loob ng anim na buwan para maihanda ang pambansang koponan sa itinakdang internasyonal na torneo.

Matapos dagdagan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang pondo, nagdesisyon ang PCKF na kumuha ng foreign coach sa unang pagkakataon upang madagdagan ang kaalamang ng mga atleta at maging mga local coach sa pangunguna ni national mentor Lenlen Escollante.

Si Dusheva ay naging coach din ng national team ng Turkey at Thailand.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nakatuon ang kanyang programa sa junior paddlers na sasagupa sa World Under 23 and Junior Canoe-Kayak championships sa Hulyo 23 hanggang Agosto 1 sa Minsk, Belarus bago sumabak para sa Dragon Boat Team sa China sa Oktubre at sa Asian Club Crew Championships sa Nobyembre sa Puerto Princesa. (Angie Oredo)