PATULOY ang pag-usbong ng Philippine cinema dahil sa sunud-sunod na pagkilala sa loob at labas ng bansa.

Sa ginanap na 2016 Philippine Quill Awards, pinarangalan ang Cinema One ng Award of Excellence under Division 1:

Communication Management Category 7: Marketing, Advertising, at Brand Communication para sa “Cinema One Originals 2014: Intense,” ang 10th anniversary celebration ng Cineme One Originals.

Binubuo ang line-up ng “Cinema One Originals 2014: InTENse” ng full-length digital movies, short films, restored Pinoy classics, at bagong obra ng mga sikat na director.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ayon sa Cinema One Channel Head na si Ronald Arguelles, “Cinema One Originals 2014: InTENse” ang pinakamalaking event sa kasaysayan ng Cinema One Originals. Dagdag pa niya, “bigger, better, and bolder” ang filmfest na ito kaya naman “InTENse” ang theme.

Nakakuha ang ABS-CBN Corporation ng labindalawang parangal sa ika-14 na Philippine Quill Awards, ang may pinakamaraming naiuwing award sa iba’t ibang organisasyon ng media at entertainment na sumali sa prestihiyosong patimpalak ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines.

Ang Cinema One na numero unong cable channel sa bansa ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng ABS-CBN Cable Channels, isang subsidiary ng ABS-CBN Corporation. Ang programming ng network ay binubuo ng line-up ng mainstream at independent local at foreign films, film-related programming, at orihinal na content para sa telebisyon.

Pinapalakas ng tagline na “Ang Buhay Natin, Parang Sine (Our Life Is Like the Movies)” ang pagkakahawig ng channel sa mga manonood na tumututok sa mga programa upang makaranas ng kakaibang entertainment sa kanilang mga telebisyon.

Ang Cinema One ay mayroon ding mga orihinal na produksiyon gaya ng Cinemanews, Inside The Cinema Circle, Numero Uno, awards specials at ang Single/Single series. Mayroon ding Cinema One Originals festival na ginaganap taun-taon.

Napapanood ang Cinema One sa Skycable channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 57.