CARRANGLAN, Nueva Ecija - Nabiktima ng highway robbery ang isang 51-anyos na driver, kasama ang dalawa niyang helper, makaraang tangayin ang minamaneho niyang Giga trailer truck na kargado ng mahigit 1,000 sako ng bigas, sa Maharlika Highway sa Barangay Piut ng bayang ito.

Ayon kay Severino Barber y Valero, driver, ng Cauayan City, Isabela, patungo sila sa Metro Manila para mag-deliver ng bigas pero saglit silang pumarada sa gilid ng highway para magluto ng hapunan.

Biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki at tinutukan ang mga biktima, pinagsusuntok, ginapos, binusalan at pinahiga sa unahan ng truck.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Angelo Martinez, narinig ng mga biktima na nag-uusap ang mga suspek sa salitang Itawis, at sinabi: “Kasi ang boss n’yo, hindi tinutupad ang sinabi namin sa kanya. Alam n’yo naman na katatapos lang ng eleksiyon.”

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pagpapaandar ng mga suspek sa truck ay inihulog ang mga biktima sa makitid na daan. (Light A. Nolasco)