Mark Salling copy

LOS ANGELES (AP) – Kinasuhan si Mark Salling, ang gumanap na salbaheng si Noah “Puck” Puckerman sa Fox TV musical dramedy na Glee, sa pagtanggap at pag-iingat ng child pornography materials.

Sinampahan nitong Mayo 27 ang 33-anyos na aktor ng dalawang kaso kaugnay ng child pornography, ayon sa U.S. Attorney’s Office.

Ayon sa federal officials, pumayag si Mark na sumuko sa awtoridad sa Biyernes, ang itinakdang petsa ng arraignment niya sa federal court.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Hindi pa nagpapaliwanag ang publicist ni Mark tungkol sa kaso.

Disyembre noong nakaraang taon nang arestuhin si Mark sa kanyang bahay sa Shadow Hill nang makumpiskahan ng mga operatiba ng Los Angeles Police at federal agents ng isang laptop computer, hard drive, at flash drive na ayon sa kanila ay naglalaman ng mga imahen at video ng child pornography.

Kinasuhan si Mark dahil sa una, paggamit sa Internet upang makakuha ng mga pornographic still image at video ng kabataang babae at ikalawa, ng pag-iingat ng dalawa pang child porn video na nagtatampok din sa mga batang babae.

Kapag napatunayang nagkasala, mahaharap si Mark sa hanggang 20 taong pagkakakulong sa bawat kaso.

“Those who download and possess child pornography create a market that causes more children to be harmed,” sabi ni U.S. Attorney Eileen M. Decker nang ihayag niya ang mga kasong isinampa laban sa aktor. “Young victims are harmed every time an image is generated, every time it is distributed and every time it is viewed.”

Bagamat nakilala sa kanyang pagganap sa Glee, na napanood simula 2009 hanggang 2015, si Mark ay isa ring musician.

Ini-release niya ang kanyang debut album na Pipe Dreams noong 2010. Isa rin siya sa mga tumanggap ng Screen Actors Guild award para sa cast ng Glee noong 2010, nang kilalanin ang show bilang outstanding TV comedy ensemble.