PANGUNGUNAHAN ng Team It’s Showtime ang mga bigating pangalan na lalahok sa DZMM Takbo Para sa Pamilyang Pilipino 2016 ngayong Linggo (Mayo 29) sa Quirino Grandstand, Lungsod ng Maynila, simula 4 AM.

Tatakbo si Karylle Yuzon at ang asawang si Yael Yuzon, si Nikki Valdez, at maging si ABS-CBN News and Current Affairs Head Ging Reyes at broadcast journalist na si Niña Corpuz sa fun run na 17 taon nang isinasagawa ng opisyal na AM radio station ng ABS-CBN para sa iba’t ibang benepisaryo.

May apat na race category sa Takbo, 3k, 5k, 10k, at 21k race categories na inorganisa katuwang ang RunRio. Sa pakikiisa ng mga kilalang personalidad, inaasahan ng DZMM na mas maeengganyo ang mga health enthusiasts, professional runners, at ang mga pamilyang Pilipino sa buong bansa na makilahok sa fun run na lilikom ng pondo para sa edukasyon ng mga biktima ng mga bagyo tulad ng Ondoy at Sendong na pinag-aaral ng DZMM. Naniniwala ang DZMM na bawat miyembro ng pamilyang Pilipino ay panalo sa pamamagitan ng edukasyon.

Ito ay ika-17 taon ng DZMM na magdaraos ng fun run para sa benepisyo ng iba’t ibang adbokasiya. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://dzmm.abs-cbnnews.com/takbo.

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Ang DZMM ay AM radio station ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa Pilipinas. Mapapanood ang DZMM sa cable at digital television via SKYcable at ABS-CBN TVplus, at online via audio streaming sa www.dzmm.com.ph.