Hiniling kahapon ni re-elected Isabela Rep. Rodolfo Albano III kay incoming president Rodrigo Roa Duterte na isama sa prayoridad ng administrasyon nito ang panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang karamdaman.

Sinabi ni Albano na muli niyang ihahain ang House Bill 4477 (Compassionate Use of Medical Cannabis) sa pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo upang mabigyan ng “accessible, affordable and safe medical cannabis” ang mga pasyenteng may “debilitating medical conditions.” Hindi ipinasa ng 16th Congress ang nasabing panukala.

“I have high hopes under the Duterte administration that this measure would be enacted into law. Finally, there is hope for our people, especially our children, who suffer from medical conditions like epilepsy, cancer, and multiple sclerosis,” paliwanag ng kongresista.

Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni Duterte na suportado niya ang legalisasyon ng medical marijuana “because it is really an ingredient of modern medicine now.” (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal