Naalarma sa lumalaking bilang ng namamatay sa aksidente sa kalsada sa bansa, magdaraos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng forum bukas (Mayo 23) kaugnay sa pagdiriwang ng Road Safety Month.

Magsisimula ang forum dakong 8:30 ng umaga sa MMDA Auditorium, sa pangunguna ni MMDA Chairman Emerson Carlos.

Ang MMDA-Institute of Traffic Management (ITM) ang nag-organisa ng buong araw na Road Safety Forum at ang mga resource person ay magmumula sa mga local government traffic enforcement offices at private motoring institutions, gaya ng Automobile Association of the Philippines (AAP). (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya