March 15, 2026

Home BALITA National

Kaso ng mga naputukan, lumobo na sa 235; inaasahan pang madagdagan hanggang Enero 5!

Kaso ng mga naputukan, lumobo na sa 235; inaasahan pang madagdagan hanggang Enero 5!
Photo courtesy: MB, Unsplash

Lumobo na sa 235 ang kaso ng firework-related injuries sa bansa, ayon sa tala ng Department of Health (DOH), mula Disyembre 21, 2025 hanggang 4:00 AM ng Enero 1, 2026. 

Base pa sa ulat ng ahensya, 62 sa kabuuang bilang ay mula sa mismong araw ng Enero 1, bilang pagsalubong sa Bagong Taon. 

Nasa 69% ng mga nabiktima ng mga paputok ay nasa edad 19 pababa, habang 31% ay mga nasa 20 anyos pataas. 

Bagama’t 42% na mas mababa ang kabuuang tala ng DOH sa kasalukuyan kumpara sa 403 bilang noong pagsalubong ng 2025, inaasahan pa na madagdagan ang 235 na tala dahil sa patuloy na surveillance ng ahensya hanggang Enero 5. 

Kaya muling paalala ng DOH sa publiko, agad na itakbo sa ospital kung may aksidente dulot ng paputok o kaya’y agad na tumawag sa national emergency hotline, 911, para sa agarangang medical assistance. 

National

US military assets, ‘di aalisin sa Pinas para sa giyera sa Middle East—AFP

KAUGNAY NA BALITA: 58% kaso ng mga naputukan, mga menor de edad!

KAUGNAY NA BALITA: 2 menor de edad, naputulan ng tig-2 daliri dahil sa ‘whistle bomb’ at ‘5-star’

Sean Antonio/BALITA